Series · Short Story

#Alter – Part 2

“Isang maikling kwento tungkol sa mga katotohanang hinaharap at tinatago natin.”

Read Part 1 here – #Alter

PART 2 – “Tong-its”

Talo sa unang round si Jiro. Nakahubad pa rin sila ng damit habang naglalaro.

“So, as agreed, we get to ask 2 questions about your real life. And what’s discussed in this hotel room stays inside it. Keri?” Halatang excited nang magtanong si Jay.

“Ok, ano’ng tanung?” Inayos ni Jiro ang upo nya at hinarap ang dalawa.

“So, gaano ka na katagal na masahista? Ano ang meron ka na wala sila? Hahaha!” Tanung ni Jay kay Jiro.

“Sikat ako, sila hindi.” Sabay tawa. “Joke lang. Kala ko tig-isa lang kayo? Daya a. Ahm, siguro mga 1 year na akong masahista. Dati sa spa ako, tapos napunta sa Grindr, e natuklasan ko ang Twitter. Mas maraming customers. Mas ayos ang bentahan.” Proud na sagot ni Jiro.

“Okay, e di ikaw na! Kaya pala afford na afford ang hotel na ‘to a.” Pabirong kantyaw ni Jay.

“Ikaw Marco, ano’ng tanong mo kay Jiro?”

Tumingin ang dalawa kay Marco na nuo’y pinapanuod lang sila.

“Ahm..” Ilang segundo din syang nag-isip. “Bakit mo naisipang mag-upload ng videos mo sa Twitter? Pa’no kung may makakilala sa’yo?” Seryosong tanung ni Marco kay Jiro.

“Ayan a, kala ko isa lang. Haha.” Napabuntung-hininga sya bago sumagot. “Well, siguro kita nyo naman ang lifestyle ko. Medyo mahirap i-maintain kaya nung nadiscover ko yan, at nakakuha ng maraming followers, naisipan kong pwede ko ring pagkakitaan. Kaya ayun. Kung gusto nyo magsubscribe para updated sa latest videos ko, 499 lang per month. Haha!” Sagot ni Jiro.

“Ano ba yan! I wanted to have a video nga rin with you, kaya lang bottomesa party pala ‘to, di nyo ko inabisuhan.” Biro ni Jay.

Nagtawanan ang tatlo.

“Ok, next round! Galingan mo Jiro, baka pagtapos nito, alam na namin buong buhay mo.” Pahabol pa ni Jay.

Sinimulan na ang 2nd round ng tong-its. Maya-maya pa, sina Jiro at Jay na lang ang naglalaban dahil nag-tong-its na si Marco. Bilangan na lang sila ng natitirang baraha.

“So ang akin, isang alas, isa pang alas, at tres! 4. Patingin ng sau! Mukhang ikaw na naman sis!” Pang-aasar ni Jay kay Jiro.

Nilabas nya ang baraha. Tatlong dos at isang alas.

“Shet!” Nanghinayang na sambit ni Jay. “Go ahead, shoot.”

Si Marco ang unang nagtanong. “Ano’ng trabaho mo?”

“I’m an operations manager in a call center in Makati. Secret kung anong company. Haha.” Sagot ni Jay.

“Ok. Kaya pala Inglisero ka. Haha. Ok, ako naman.” Nag-isip saglit si Jiro. “Ahm, sige ganun na lang rin. Ano’ng naisipan mo at gumawa ka ng Alter?”

“Well, I’m 27 years old, and I have a partner for 11 years now. Recently, we kind of agreed to explore sexually, pero of course may limitations pa rin. We’ve been together since teenage years namin, kaya siguro ngayong medyo tumatanda na kami, gusto namin i-try mag-explore. E Twitter provided this whole other world na kahit ako, medyo gulat pa sa mga ganap jusko.” Sagot ni Jay.

“Wow, may partner ka pala. So ok lang sa kanya ‘to?” Pang-uusisa pa ni Jiro.

“Yap, nageexplore din sya ng sa kanya, and sa’kin ayos lang yun. ‘Yung sa kanya nga lang, straight ang trip nya. Haha. As long as alam namin san kami uuwi at sino ang totoong partner namin sa buhay, at the end of the day. And of course, safe sex! Saka ‘di naman to every day or every week. Minsan lang talaga.” Sagot ni Jay.

“I guess I can’t really explain it to you especially if you haven’t gone through this yourself. The younger me would never understand this, let alone agree to this, but here we are.” Pag-eexplain pa ni Jay.

“Yeah, ‘di ko ata kaya yan. Gusto ko, ‘pag may jowa na ‘ko, sakin lang sya.” Banat ni Jiro.

“You seem so quiet Marco! Nasha-shock ka ba sa mga pinag-uusapan? You ok?” Nakangiting tanong ni Jay kay Marco na nuo’y pinapanuod lang silang dalawa.

“Ok lang ako pre.. ‘Di pa lang ako masyadong exposed siguro sa mga kwentong ganyan. Pero sige lang. Nag-eenjoy naman ako sa usapan.” Medyo nahihiyang sagot ni Marco.

“Teka, parang sa sugalan ka ata exposed, galing mo sa tong-its e. Ganto, para fair, dahil nag-open na kaming dalawa, ikaw naman. Wala na munang game.” Suggestion ni Jay.

“Oo nga, Marco.” Pag-sang-ayon ni Jiro.

“Ok bro, sige. Ano tanong nyo?” Halatang medyo ilang pa rin si Marco.

“Hmmmm, ano ba.” Excited nang magtanong si Jay. “So, ikaw naman, bakit ka nag-alter?”

“Ok. Ahm, para lang sa videos talaga. Nuod nuod lang ‘pag mag-isa ako. Sinubukan ko lang makipag-meet. ‘Di nga ako sanay sa tatlo. One-on-one lang trip ko.” Sagot ni Marco.

“Sorry na, naisipan ko lang pagsabayin na kayo kasi marami pang naka-schedule. Haha!” Banat naman ni Jiro.

“Wow, ikaw na famous!” Biro ni Jay.

“Ok, ako naman. Ikaw, may partner ka, or dine-date ngaun?” Tanong ni Jiro.

“Ahm.. Hmm..” Napatawa si Marco na halatang nahihiya. “May asawa’t anak ako, actually.”

“What?”

“‘Di nga?”

Halatang gulat ang dalawa.

“Oo. ‘Di kami ganun ka-ok ng asawa ko sa ngayon. Alam naman din nya. Saka syempre ‘di alam ng mga pamilya namin. At ng anak ko. Sinusubukan ko na baguhin ang sarili ko, pero eto talaga ako e. May mga gusto ako na ‘di nila maiintindihan. Kaya siguro, masaya ako sa Twitter. Kasi nakikita kong madami akong katulad. Lahat kami nagtatago sa mundong ‘di kami tanggap.” Pag-eexplain pa ni Marco.

“Wow, lalim a. Wait, andami kong tanong! Pwede pang mag-follow-up questions?” Pang-uusisa pa ni Jay.

Biglang nag-ring ang phone ni Jiro. “Wait, kayo muna dyan a. Sagutin ko lang ‘to.” Pumunta sya sa CR at duon sinagot ang tawag.

Tinuloy ng dalawa ang usapan.

Maya-maya pa, lumabas na si Jiro sa CR. “Ahm, guys, sori, may friend kasi akong pupunta. Nakalimutan kong may bisita pala akong darating tonight. Ok lang kung next time natin ‘to ituloy?”

“Ay ok. Sure, no problem.”

“Sige lang bro.”

Nagbihis na ang dalawa, at nag-ayos ng gamit.

“Hey, pasensya na talaga a. Nice meeting you two. Ingat pag-uwi.” Paalam ni Jiro sa dalawa bago nya isara ang pinto.

Pagka-lock nya ng pinto, umupo sya sa table at binuksan ang bag na kanina pa nakalapag sa sahig.

May kinuha syang phone sa loob. Tapos ay pinindot nya ang stop recording button sa screen nito. Kinuha naman nya ang isa pang phone at may tinawagan.

“Paps, tara na dito. Ipakita ko sayo ‘yung vid.”

Part 3 to be published soon! Stay tuned!

Pls. like, share and subscribe!

Like Kwentong Win on Facebook!

Follow me on Twitter for updates!

@darwintaylo

If you have stories and ideas you want to share, let’s collab. Send me a message. Thank you!

#kwentongwin #shortstories #series #maiklingkwento #alter

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Advertisements
Series · Short Story

#Alter

“Isang maikling kwento tungkol sa mga katotohanang hinaharap at tinatago natin.”

PART 1 – “Collab”

“@VERSAche: Collab with @alitapTOP and @autoBOT later! So excited! #alterpinoy”
1430 Retweets 2982 Likes

Naunang dumating sa hotel room ni VERSAche si alitapTop. Nakailang doorbell sya bago bumukas ang pinto.

“AlitapTOP?”, tanung ni VERSAche.

“Yap. Pero Marco na lang.” Nakipagkamay sya.

May katangkaran si Marco, mukhang 5’9, medyo may tyan at malaman pero may hubog, kumbaga dadbod. Medyo may bigote, may pagka-Eric Frustuoso ang itsura.

“Ah, ako si Jiro. Tara pasok. Kala ko kung sinong straight e. Sorry. ‘Di ka mukang bi.” Pinapasok na nya sa loob si Marco.

Nakasando lang si Jiro. Kita ang banat sa gym na katawan. Pero hindi naman buff, toned lang. Sakto lang ang tangkad. Makinis, pogi, mukhang contestant sa Bidaman.

Umupo na si Marco sa kama. Kita pa rin sa mukha ni Jiro ang pagtataka.

“Siguradong di ka straight a? Baka yung bakbakan sa kama sayo e literal na bugbugin mo kami bigla a?” Nakangiti syang parang tini-tease ang kausap.

“Hindi.” Tipid ang ngiti ni Marco, tapos ay iniwas ang tingin at nilibot sa hotel room.

“Ayos dito nu? Ikaw mukhang bata ka pa a. Ilang taon ka na?” Tanung ni Marco kay Jiro.

“23. Ikaw ba?”

“30.”

Tumunog ulit ang doorbell.

“Hi guys! Oh, I see you’re both here already!” Nakangiting bungad ni AutoBOT pagbukas ng pinto.

5’5 ang height nya. Medyo mas malambot sa dalawa ang kilos. Nakasalamin, at mukhang matalino. Sya na ang nagsara ng pinto at umupo na rin sa may table tabi ng kama, at binaba ang bag.

Kinamayan nya ang dalawa. “I’m Jay. And you are?”

“Jiro na lang. Ako si VERSAche.”

“Oooh! Pa-massage ako mamaya a. Pero ES muna. Hahaha!”

Tumawa silang dalawa.

“So AlitapTOP?” Baling nya kay Marco. Nakangiti lang syang pinagmamasdan ang dalawa.

“Ahm, Marco na lang bro. So ikaw si autoBOT?”

“Yap. At your service sir. Haha!”

Tumawa silang tatlo.

Maya-maya’y humiga na silang tatlo sa kama. Nilabas na rin ni Jay ang dalang box ng condom sa bag at nilapag sa table.

“So lights off o lights on?”, tanung ni Jiro.

“On syempre! Kawawa naman followers natin kung wala silang mapanuod no.” Sagot ni Jay.

Sinimulan na nila ang bakbakan.

Maya-maya pa’y kumuha ng isang condom si Jay at tumingin sa dalawa.

“So sino una?”

“Sya muna.” Sabay silang nagsalita.

“Ikaw ang top e. Ikaw na muna bro. Maya na ko.” Udyok ni Jiro kay Marco.

“Ahm, bale kasi, natry ko pa lang maging top sa babae. Gusto ko sana itry ‘pag sa’kin naman gagawin yun.” Medyo nahihiyang sagot ni Marco.

“Ah, bale gusto mo ma-try mabottom? E versa ako oo, pero more bottom.” Medyo nakakunot ang noo ni Jiro.

“Teka nga.” Nakataas na ang kilay ni Jay. “So ang ending e, ako pa ang top? May mas bo-bottom pa ba sa AutoBOT? Matic dapat na ako bottom. Nakakaloka kayo.” Hindi nya alam kung matatawa siya o maiinis.

Mga ilang minutong tahimik silang tatlo bago tumayo si Jay at may naisip.

“Ok, sissies, ganto na lang. May cards ako jan. Laro na lang tayo. ‘Pag natalo, tatanungin about sa real life nya. Walang atrasan. Umatras na nga mga tite nyo sakin. Pagsasampalin ko kayo.”

Napatango na lang ang dalawa at mukhang nabawasan ng onti ang awkwardness sa kwarto.

“Tong-its?”

“Sige.”

Read Part 2 now! – #Alter – Part 2

Pls. like, share and subscribe! 🙂

Like Kwentong Win on Facebook!

Follow me on Twitter for updates!

@darwintaylo

If you have stories and ideas you want to share, let’s collab. Send me a message. Thank you! 🙂

#kwentongwin #shortstories #series #maiklingkwento #alter

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Short Story

Ang Pinagtawanang Nakakatawa

Isang maikling kuwento tungkol sa mga dapat at hindi natin dapat pagtawanan.

sinulat ni Darwin Taylo

May yumuyugyog sa kanya. Mga maliliit na kamay ang humihila sa damit nya at inuuga uga sya. May naririnig syang mahihinang bulungan tapos ay may mga nagsalita.

“Huy gising!”

“Kita na yung puwet nya o! Hahahaha!”

Maraming iba’t ibang boses ang narinig nyang tumawa. Naramdaman nyang medyo nahihilo sya, pero dahan-dahan na rin nyang binuksan ang mata.

Nakasayad ang mukha nya sa karton, nakadapa pero nakaangat ang puwet. Randam nya ang onting pagkahubo ng pantalon nya. Maliban sa maliit na bolang pula sa isang gilid ng karton, wala nang iba pang gamit sa tabi nya. Kita nya na ngayon kung sino ang yumuyugyog sa kanya at tumatawa kanina. May anim o pitong bata, mga nasa edad dose pababa, ang nakapaligid sa kanya. Bago nya pa malibot ang tingin, mukha ng isang batang lalaki ang lumapit sa mukha nya.

“Huy! Sarap ba tulog? Hahahaha!”

Humagalpak sa tawa ang bata na sinundan ng tawa ng iba pang mga bata. Di nya alam ang iisipin. Dahan-dahan siyang tumayo.

“Hoy! May tanong ako. Bakit ang pangit mo? Hahaha!” Isang batang mataba, mga nasa walong taong gulang,ang nagtanong.

Biglang pumintig ang tenga nya. Hindi nya napigilan ang sarili. Nagpagpag sya ng katawan at bumawi.

“E ikaw, bakit mukha kang butete?!”, sagot niya sa bata.

Parang di inasahan ng bata ang saring nya at bigla itong nahiya.

“Hahaha! Butete!”

Nagtawanan din ang ibang bata. Biglang umiyak ang batang nilait nya at dali-daling umalis.

“Manong, dati ka bang espasol? O kulang ka lang sa dugo? Hahaha!” Isang batang babae na nakasalamin ang nagsalita.

Di na sya nagisip. “Ahh. E ikaw, bakit apat mata mo? Dati ka bang bubuyog? O duling ka lang kaya kailangan mong magsalamin?”

“Hahaha! Bubuyog!” Nagtawanan ang iba pang bata. Biglang humagulhol din ang batang babae at patakbong umalis.

“Kuya bansot, bakit hindi ka na lumaki? Hahaha!” Isang batang lalaki, mga nasa edad sampu ang nagsalita. May suot itong sumbrero na patatsulok.

“E kung pagbabatukan ko kayong mga bata kayo nang di rin kayo lumaki? Ang babastos nyo a!”

Nagulat ang mga bata, may dalawang babaeng naghawakan, halatang natakot. Nagsitakbuhan din sila paalis. May isang batang babae na may tinawag.

“Mommy! Mommy!” Maya-maya’y may lumapit na babaeng nasa edad trenta.

“O bakit anak?”

“Si kuya bansot inaaway kaming lahat! Huhuhu!” Humahagulgol sya ng iyak. Tumingin nang masama ang babae sa kanya.

“Yang mga anak nyo kasi turuan nyong gumalang. Ang babastos. Kanina pa ko nilalait at pinagtatawanan.”

Biglang napataas ang kilay ng nanay. Nakatitig lang sa kanya ng matagal. Maya-maya’y biglang napahagalpak sa tawa.

“Hahaha! Bansot, bansot, mas nakakatawa ka pala kaysa sa inaakala ko. Humarap ka nga sa salamin nang magising ka at nang matawa ka sa sarili mo.” Tinuro nya ang malaking salamin sa gilid.

“Wag mong kalimutan yung ilong mo.” Pahabol nya at tinuro ang pulang bola na nasa gilid ng karton.

Di nya naintindihan ang sinabi ng babae. Humarap sya sa salamin at di makapaniwala sa tinitingnang sarili.

Nakasuot sya ng malaking sapatos at maluwag na damit. Makapal ang make-up, mapula ang labi.

Kinuha nya ang pulang bola at dinikit sa ilong. Dun nya naalalang siya si Bansot, at nasa 10th birthday party sya ni Sky, yung batang babae na tumawag sa Nanay niya. Isa syang clown.

Ilang minuto syang natigilan. Tapos ay nag-ayos siya at humarap sa mga tao. “Mga bata, sinong gustong makarinig ng joke?”

Sa buhay, dapat alamin mo kung bakit nakakatawa ang pinagtatawanan, sino ang tumatawa at pinagtatawanan at kung dapat bang pagtawanan ang nakakatawa.

– Wattpad Link (https://my.w.tt/60N1S7k0yP)

Short Story

Noted, Love (Prequel)

A short love story about the chances that we take and the chances that are taken from us.

by Darwin Taylo

She turned on the bedside lamp. It was 5:25 in the morning. She was naked in her bed, alone. Then she saw a note on the table, lit now by the lamp.

“I had a great night Love! I hope you did too. I’ll call you. – Prince”

It took her a couple of seconds before she remembered what happened the previous night. She has drunk more vodka than what she normally drinks and was wearing a very sexy outfit, sexier than what she normally wears. She caught him looking at her from the other end of the bar. He was looking so elegantly handsome and sexy. They exchanged intimate looks, made out on the dance floor and then he asked her to come home with him. She instead offered her place and they had sex on her apartment.

She had already given up on her quest for love. Every single guy that she had met only wanted her for a single night. Not one stayed for breakfast. Not one even asked for her name, or phone number. Not one even left a note.

Not one, but him.

She couldn’t believe what she just read. Then her phone rang.

She stared at it, so long that it rang five more times before the call dropped.

She then looked at the number that called. It was an unknown number. She wasn’t certain but she still saved it under the name Prince.

Her phone didn’t ring again the following days after that. She just then decided to go to the bar again that next weekend, hoping to see him there.

And he was there. This time looking more elegant and handsome than the previous week. He smiled at her and instantly came to her the moment he saw her. They shared stories about their lives and kissed and danced and made out on the dance floor. It ended with him asking her to spend the night back in her apartment.

She woke up the next morning, still feeling wasted from last night, naked, and the guy wasn’t beside her anymore. She turned on the bedside lamp, and saw a note on the table.

“I really like you Love. I hope you feel the same. I’m sorry I couldn’t stay long. I had a great night! See you soon! – Prince”

Then she felt her phone vibrate. ‘Prince’ was calling.

She didn’t know what to do. She didn’t know if she could tell him the same sweet words this early on. She didn’t know what to say, or ask, or talk about.

After the fifth ring, the call dropped.

They saw each other again the next weekend, drank until they’re wasted, danced until they ran out of dance moves and made love like it’s their first time. This went on the next following weeks and she felt that she only grew more attached to him weekend after weekend. At first, she wanted him to stay until the morning after and wake up beside each other. But then she also started loving the excitement and happiness his notes gave her every time she wakes up from a hangover, turns on the bedside lamp and finds them beside it.

She felt she had already met the prince of her life. And that the day would soon come, when they’d both be waking up on each other’s arms, with so much love that the light of day would be eager to welcome them in all the mornings of their lives.

One night, although drunk and wasted, after they had danced and made out on the same bar and made love on the same bed, she tried to keep herself awake and decided not to sleep until he wakes up so that she could greet her a good morning and finally confess her love to him. She planned to tell him that she’s ready to commit and spend the rest of her life with him. She sat on the bedside table, held his hand and watched him snore. It was not long though when she started dozing off to sleep as well.

She woke up to the sound of her alarm clock. It was already 9 in the morning and the sunlight had brighten up her room. She’s not wearing anything but her underwear, her head was on the bedside table and her right hand was lying on the empty bed beside her. There was no note on the table.

Then her phone rang. It was Prince’s number. After the second ring, she picked it up.

“Hello?”

“Is this Love?”

It was a woman. She didn’t know what to say.

“Yes, this is she. Who’s calli-”

“Whore! You listen to me slut! Stop seeing my boy or you’ll see wha-”

She ended the call. After a few seconds, it rang again. She stared at it, not knowing what to do next. Then, she saw the end of a piece of paper peering under her bed. She picked it up and couldn’t explain her feelings while reading his note.

“I had really really awesome nights with you Love. And I want to spend more nights with you. So many more, as if we won’t run out of them. But I think I’m falling for you, deeper than I thought and I couldn’t bear breaking your heart even more. I’m already in love with someone else. She’s the only woman I spend all my mornings and days with. I am terribly sorry Love but I just realized that she’s also the only woman I want to spend all my nights with. But I really had a great night. I hope you did too. Goodbye, Love. – Prince”

After the fifth ring, the call dropped. It didn’t ring again.

Short Story

Love Notes

A short love story about the chances that are given to us and the chances that we take.

by Darwin Taylo

He turned on the bedside lamp. It was 5:25 in the morning. He was naked in his bed, alone. Then he saw a note on the table, lit now by the lamp.

“I had a great night. Saved my number on your phone. Call me if you want to. – Love”

It took him a couple of seconds before he understood that Love was the girl’s name. He checked his phone and found the girl’s mobile number. He dialed it. But it just rang and rang. She didn’t pick up.

He met her in a bar he frequents every weekend. On the night that they met, she wore a very sexy outfit almost revealing her breasts, but she still looked elegant and beautiful. He offered her a couple of drinks and asked her to come with him to his apartment. She didn’t seem to have hesitated.

He didn’t think of her as the girlfriend type though. She seemed a little bit too agressive and playful for him. But she was really good in bed, so he tried to contact her a couple of more times but got no answer.

Thus, he decided to go through his usual routine and go to the same bar the next weekend, hoping to see her there again.

And she was there. This time, wearing another sexy dress, that almost reveals her underwear. He approached her and instantly, she recognized him and kissed him on the lips. They spent the night drinking and dancing with each other, while almost making out on the dance floor. He then invited her over again to his apartment.

He woke up the next morning, still got the hangover from last night, and turned on his bedside lamp. He was naked, and the girl wasn’t there anymore. There was a note on the table.

“I really like you too. I had a great night. See you soon! – Love”

He couldn’t recall if he did tell the girl that he liked her. But he actually did like her so it didn’t matter. He tried to call her number again. With what she wrote on her note this time, it seemed that she wanted to see him again. But she still didn’t pick up.

He went to the same bar the next weekend and saw her there again. They were so busy dancing and drinking that their conversations were limited to sweet compliments to each other and ended with him asking her back to his apartment again.

He woke up wasted the next morning, naked, and the girl wasn’t beside him anymore. He turned on the bedside lamp and as expected, there was a note from her again, beside it.

“I like the way you sleep. You’re like a baby. 🙂 I had a great night. Hope you did too! – Love”

He smiled, and then reached for his phone on the bedside table. He wanted to call her but he decided not to instead. He wanted to stay excited for their next meeting.

There was not one night in the next coming weekends that they did not see each other in that same bar. She never wore the same outfit twice and he felt that she only got sexier and more attractive week after week. They danced endlessly through every night, drank ’till they’re wasted and had awesome sex every time.

He turns on his bedside lamp in all the mornings after and wakes up to find himself alone and naked in his bed. He then finds the notes the girl leaves her with, on the same spot, every time. There was a note for every night they spent together.

“I had a great night! I’m glad you liked my dress. – Love”

“I had a great night! You were so cute in your jacket last night. I wanna see you wear that again next week! – Love”

“I didn’t know you could do those moves! You were so funny. I had a really great night. – Love”

“Thank you for protecting me from that ugly moron last night. I’m sorry you got hurt. I still had a great night though. I hope you did too. – Love”

He didn’t know what she does for a living but he always felt that a girl that awesome could only be doing her passion and exceling on it. He didn’t know anything about her family but he always felt that a girl that sweet could only be blessed with the best family one could ever wish for. He didn’t know her status in life but he always felt that a girl that beautiful could be the poorest girl in the world yet still be the most elegant woman he had ever met. He didn’t know, and he didn’t think he needed to. She was perfect, no matter what.

One morning, his senses were awoken by the sound of a pen scratching on paper. He spent the previous night with the same girl on the same bar and had sex on the same bed. He woke up earlier than usual and he knew that the sound that he heard was the girl writing her note on his bedside table. He slowly and carefully opened his eyes but only just a little, enough to peek through the side of his bed where the bedside lamp is.

He saw her there, sitting on his study chair, all dressed up, with her small bag beside her. Her long dark, beautiful hair was covering her face while she silently scribbles the note she’s gonna leave him with. She paused for a second, and thinking she’d turn around, he immediately closed his eyes and pretended to be fast asleep. He heard her continue her writing and fell back asleep to the sound of it.

He woke up to the sound of his alarm clock. It was already 9 in the morning and the sunshine had brighten up his room. He turned to the bedside lamp and looked for her note on the table. But he didn’t see it there. No note.

He felt incomplete the whole week, not reading a note from her for the first time but looked forward to the coming weekend.

He arrived in the bar earlier than usual, excited to spot her in the crowd. But after drinking about ten glasses of his whiskey, already too drunk to walk straight, there was still no sight of her. He decided to go home.

He woke up the next morning, still feeling the hangover from last night, fully clothed and alone. He turned on his bedside lamp. There was no note.

Then he saw the end of a piece of paper peering under his bed. He picked it up and couldn’t explain his feelings while reading her note.

“I had the best night last night. But I think I’m falling for you Derek. I think I’m falling in love with your dance moves, with your snores, with your jokes, with the way you sleep like a baby, with the way you look at me every time like I’m the most beautiful girl, with the way you hold my hand like you don’t ever want to let go, with the security you give me every time I’m worried, with your endless attempts to call my number and talk to me by the time you wake up, and with how you kept all my notes in a box that’s labeled “Moments of Love”. And I’m afraid that if we share more than just great nights together, that we won’t get through the whole of every day with the same excitement and love. I’m afraid that we won’t have great mornings, or afternoons together. But I really had a great night. I hope you did too. – Love”

He read it again. And again. He didn’t understand what just happened. The only thing that entered his mind was the moment he opened his eyes one morning and saw her writing this note. And how things would have been so different if he had only woken up that morning. He could have hugged her, kissed her and assured her to not be afraid. He could have greeted her a good morning.

He didn’t know what to do. Then he thought of something. He reached for his phone and dialed her number. He expected a long series of rings before the sound of the call dropping out.

But after the second ring, he heard her voice on the other line.

“Hello”?

He didn’t know what to say.

“Is this Love?”

There was a very long pause. Then she finally responded.

“Good morning Derek.”

Read the prequel – “Noted, Love” – https://kwentongwin.wordpress.com/2016/06/06/notedlove/

Short Story

Ang Matanda, Ang Dalaga, Ang Nanay at ang Beauty Queen

Isang maikling kuwentong alay kay Elsa at sa teleserye niya.

sinulat ni Darwin Taylo

Masayang masaya ang matanda.

Nagtatahi siya ng sarili niyang damit sa may sala, habang nanunuod ng paborito niyang teleserye.

Bida sa teleserye si Mercedes. Mahirap lang si Mercedes at nagtatrabahong katulong sa mansyon nina Donya Victoria Montemayor. Kasama niya sa mansyon ang matalik nyang kaibigang si Patricia na nagtatrabaho ding katulong.

Pagkatapos ng pinanuod, natapos din niya ang tinatahi at ipinatong niya ito sa mesa sa tabi ng malaking salamin.

Bigla siyang nalungkot nang naisip niyang tapos na nga ang kabataan niya. Pero nangiti rin nang naisip niya kung gaano sya naging masaya sa mga taong nagdaan.

Masayang masaya ang dalaga.

Nakikipagtext siya sa boyfriend at kinikilig kilig pa. Ilang minuto bago magsimula ang paborito niyang soap opera, binuksan na niya ang tv.

Gwapo ang anak ni Donya Victoria na si Don Luis at crush ito ni Patricia. Ngunit nang magkasalubong sina Don Luis at Mercedes, nagsimula ang pagtitinginan ng dalawa.

Tumawag ang boyfriend niya. “Babe, so parang ako si Mercedes at ikaw si Luis? Mamahalin mo ba ako kahit isa lang akong pobreng katulong?”

Nakornihan sa tanong niya ang boyfriend at hindi nakasagot. Nalungkot siya. Pero nangiti rin nang suyuin ng boyfriend na siya pa rin ang pinakamaganda sa lahat. Pagkatapos ng usapan nila, pinatong niya ang cellphone sa ibabaw ng tv.

Masayang masaya ang nanay.

Kauuwi lang nila sa bahay, kasama ang anak niyang si Gracielyn na kakagradweyt lang sa hayskul nang gabing yun. Hawak-hawak niya ang pina-develop niyang piktyur nilang mag-Nanay. Nagpahinga siya sa sala at naalalang magsisimula na ang tinututukan niyang teleserye at dali-daling binuksan ang tv.

Naging kaibigan na ni Mercedes ang palabirong mayordoma ng mansyon na si Elsa, isang matandang dalaga. Siya ang naging ugnayan nina Don Luis at Mercedes kaya hindi lumaon ay nabuo ang pagmamahalan ng dalawa.

Bigla siyang nalungkot dahil nabitin sa pinapanuod. Napangiti naman siya ng yumakap sa kanya ang anak at hinalikan siya sa pisngi. Nilagay niya sa frame ang piktyur nilang mag-ina at pinatong sa lamesa tabi ng TV.

Masayang masaya ang beauty queen.

Nakaharap siya sa malaking salamin sa sala, suot ang unang gown niya para sa beauty pageant ngayong gabi. Maaga siyang naghanda para hindi niya mapalampas ang inaabangan niyang teleserye. Dahan-dahan siyang umupo ala beauty queen sa sala at tumutok sa telebisyon.

Dahil sa inggit, sinumbong ni Patricia ang relasyon nina Mercedes at Don Luis kay Donya Victoria. Dahil dito, nagtanan ang dalawa at pinatira sila ni Elsa sa bahay niya sa probinsya. Nagtapos ang serye na ikinasal ang magnobya at ninang nila si Elsa na dala-dalawa pa ang kasamang escort.

Nalungkot siya na hindi niya kailanman mararanasan ang ikasal sa lalaking katulad ng bida sa palabas. Pero bigla siyang nangiti nang maisip na siya ulit ang mananalo sa pageant na pupuntahan at kokoronahan siyang wagi.

Isa-isa na niyang itinupi ang mga gown na nakapatong sa mesa sa tabi ng salamin na siya mismo ang nagtahi at inilagay sa bag niya. Kinuha rin niya ang teleponong nakapatong sa tv at itinext ang boyfriend. Nadaanan rin niya ng tingin ang naka-frame na piktyur nila ng anak-anakan niyang si Gracielyn at napangiti.

Masayang masaya siya kahit matanda na siya.
Masayang masaya siya at kaya niya pang magpakadalaga.
Masayang masaya siya dahil Nanay siya sa anak-anakan na mahal na mahal niya.
Masayang masaya siya dahil wala pa ring tatalo sa ganda niya.

Para sa kanya, sya si Elsa, ang magandang matandang dalagang mayordoma sa mansyon, na naniniwala pa rin sa tunay at masarap na pag-ibig kaya sinisigurong dala-dalawa ang nobyong lalaki para kahit ano pang mangyari sa mga bida at nagbibidahan sa tabi tabi ay hindi niya nakakalimutan kung paano maging masaya.

Dahan-dahan siyang tumayo sa sala, humarap sa salamin, pinraktis ang ngiting beauty queen at kunwari’y nasa harap na ng maraming tao.

“Good evening ladies and gentlemen. You may know me as the fabulous Enrico below this stage but standing here in front of you is Elsa, the highest of all maids, in heaven and on land.”

Biglang sumulpot ang anak mula sa kwarto at pumalakpak habang tumatalon-talon pa.

“I love you Elsa!”, sambit ng anak at yumakap sa kanya.

“I love you too anak. Tara na’t kokoronahan pa ang nanay.”

Masaya silang umalis.

Naiwan nilang nakabukas ang TV.

This short story is dedicated to my good friend, Elsa aka Alexander, and to all the other beauty queens and leading ladies of their own soap operas.
Short Story

Ang Pinagtawanang Nakakatawa

Isang maikling kuwento tungkol sa mga dapat at hindi natin dapat pagtawanan.

sinulat ni Darwin Taylo

May yumuyugyog sa kanya. Mga maliliit na kamay ang humihila sa damit nya at inuuga uga sya. May naririnig syang mahihinang bulungan tapos ay may mga nagsalita.

“Huy gising!”

“Kita na yung puwet nya o! Hahahaha!”

Maraming iba’t ibang boses ang narinig nyang tumawa. Naramdaman nyang medyo nahihilo sya, pero dahan-dahan na rin nyang binuksan ang mata.

Nakasayad ang mukha nya sa karton, nakadapa pero nakaangat ang puwet. Randam nya ang onting pagkahubo ng pantalon nya. Maliban sa maliit na bolang pula sa isang gilid ng karton, wala nang iba pang gamit sa tabi nya. Kita nya na ngayon kung sino ang yumuyugyog sa kanya at tumatawa kanina. May anim o pitong bata, mga nasa edad dose pababa, ang nakapaligid sa kanya. Bago nya pa malibot ang tingin, mukha ng isang batang lalaki ang lumapit sa mukha nya.

“Huy! Sarap ba tulog? Hahahaha!”

Humagalpak sa tawa ang bata na sinundan ng tawa ng iba pang mga bata. Di nya alam ang iisipin. Dahan-dahan siyang tumayo.

“Hoy! May tanong ako. Bakit ang pangit mo? Hahaha!” Isang batang mataba, mga nasa walong taong gulang,ang nagtanong.

Biglang pumintig ang tenga nya. Hindi nya napigilan ang sarili. Nagpagpag sya ng katawan at bumawi.

“E ikaw, bakit mukha kang butete?!”, sagot niya sa bata.

Parang di inasahan ng bata ang saring nya at bigla itong nahiya.

“Hahaha! Butete!”

Nagtawanan din ang ibang bata. Biglang umiyak ang batang nilait nya at dali-daling umalis.

“Manong, dati ka bang espasol? O kulang ka lang sa dugo? Hahaha!” Isang batang babae na nakasalamin ang nagsalita.

Di na sya nagisip. “Ahh. E ikaw, bakit apat mata mo? Dati ka bang bubuyog? O duling ka lang kaya kailangan mong magsalamin?”

“Hahaha! Bubuyog!” Nagtawanan ang iba pang bata. Biglang humagulhol din ang batang babae at patakbong umalis.

“Kuya bansot, bakit hindi ka na lumaki? Hahaha!” Isang batang lalaki, mga nasa edad sampu ang nagsalita. May suot itong sumbrero na patatsulok.

“E kung pagbabatukan ko kayong mga bata kayo nang di rin kayo lumaki? Ang babastos nyo a!”

Nagulat ang mga bata, may dalawang babaeng naghawakan, halatang natakot. Nagsitakbuhan din sila paalis. May isang batang babae na may tinawag.

“Mommy! Mommy!” Maya-maya’y may lumapit na babaeng nasa edad trenta.

“O bakit anak?”

“Si kuya bansot inaaway kaming lahat! Huhuhu!” Humahagulgol sya ng iyak. Tumingin nang masama ang babae sa kanya.

“Yang mga anak nyo kasi turuan nyong gumalang. Ang babastos. Kanina pa ko nilalait at pinagtatawanan.”

Biglang napataas ang kilay ng nanay. Nakatitig lang sa kanya ng matagal. Maya-maya’y biglang napahagalpak sa tawa.

“Hahaha! Bansot, bansot, mas nakakatawa ka pala kaysa sa inaakala ko. Humarap ka nga sa salamin nang magising ka at nang matawa ka sa sarili mo.” Tinuro nya ang malaking salamin sa gilid.

“Wag mong kalimutan yung ilong mo.” Pahabol nya at tinuro ang pulang bola na nasa gilid ng karton.

Di nya naintindihan ang sinabi ng babae. Humarap sya sa salamin at di makapaniwala sa tinitingnang sarili.

Nakasuot sya ng malaking sapatos at maluwag na damit. Makapal ang make-up, mapula ang labi.

Kinuha nya ang pulang bola at dinikit sa ilong. Dun nya naalalang siya si Bansot, at nasa 10th birthday party sya ni Sky, yung batang babae na tumawag sa Nanay niya. Isa syang clown.

Ilang minuto syang natigilan. Tapos ay nag-ayos siya at humarap sa mga tao. “Mga bata, sinong gustong makarinig ng joke?”

Sa buhay, dapat alamin mo kung bakit nakakatawa ang pinagtatawanan, sino ang tumatawa at pinagtatawanan at kung dapat bang pagtawanan ang nakakatawa.