Blog

SOGIE or so wrong?

ANO BA ANG SOGIE?

Sexual orientation, gender identity and expression.

Bale ang basic na gender na alam at tanggap ng lahat ay lalaki at babae. Sa patuloy na pagkilala natin sa isa’t isa, lumabas ang mga bakla (lalaking may pusong babae) at tomboy (babaeng may pusong lalaki).

Pero, hindi lahat ay lalaki o babae lang. Or bakla, o tomboy lang. Komplikado ang gender. At layunin ng SOGIE na i-guide ang lahat para mas maintindihan natin ang gray area na ‘to.

Sinasabi ng iba na “hindi yan importante”, “ang daming mas malalaking issue”, “pinapakomplika nyo lang ang buhay”. Pero, sobrang laking parte ng gender sa buhay ng isang tao. Eto ang bubuo sa kung sino sya bilang tao.

ANO BA ANG PROBLEMA?

Sa, dahil nga hindi pa ito malinaw sa lahat, maraming taong nasa gray area na ‘to na dini-discriminate, nilalayuan, jina-judge, nilalait, binu-bully, sinasaktan at pinapatay dahil lang sa kung sino sila, kung paano sila manamit, at kung sino ang gusto nilang mahalin.

Oo, nakalagay sa constitution na dapat pantay-patay tayo lahat, at respetuhin natin ang isa’t isa, kahit sino pa sila, kahit saan man sila galing at anuman ang paniniwala nila. Lahat tayo ay tao at lahat tayo ay may human rights.

Pero, dahil nga malabo ang gender issue sa karamihan, kapag naagrabyado ang isang tao dahil lang dito, madalas ay hindi ito napapansin, o kaya’y wala na silang laban.

At kung ikaw ay pinagkakaitan na ng pantay na laban sa buhay, kung lagi kang talo dahil lang sa kung sino ka, kung lagi kang mali dahil lang sa kung sinong mahal mo, ang buhay mo ay mawawalan ng katuturan. Kung sa mata ng lipunan, hindi ka dapat nag-eexist, magkakaron ka ng point sa buhay mo na kukwestyunin mo na din kung dapat ka ngang mag-exist.

Kaya hindi na rin mabilang ang mga sumuko na sa gantong sistema at sila na ang tumapos sa buhay nila kesa araw-araw silang patayin ng mundong hindi sila matanggap.

KAILANGAN PA BA ANG SOGIE EQUALITY BILL?

Kailangan ng Pilipinas ng isang malinaw na anti-discrimination bill na magpoprotekta laban sa ganitong pagsagasa sa basic human rights ng isang tao, dahil lang hindi sya ‘normal’ na lalaki o babae.

Kailangan nating mabago ang pinaka-basic na idea ng tao sa gender at maibukas ang isipan ng bawat isa sa konsepto na ito, mula bata pa lang, at kahit saang sulok ng bansa, para talagang masabing pantay-pantay tayong lahat.

Hangga’t wala tayong tinatapakang tao o wala tayong ginagawang masama, hindi dapat magamit ng kung sino man ang gender natin laban sa atin.

Ito ang sinusulong ng SOGIE Equality Bill.

#SOGIEEqualityBill

LINKS:

*Kung gusto mong mas maintindihan ang konsepto ng SOGIE, panuorin ang 2 videos na ‘to:

WHAT YOU NEED TO KNOW ABOUT SOGIE PART 1 – https://www.google.com/amp/s/amp.rappler.com/move-ph/236244-explainer-things-to-know-about-sogie

WHAT YOU NEED TO KNOW ABOUT SOGIE PART 2 – https://www.google.com/amp/s/amp.rappler.com/move-ph/237754-explainer-things-to-know-about-sogie-part-2

*Para sa buong kopya ng bill, maaari mong i-download ang PDF file mula sa website ng Kongreso o Senado.

http://congress.gov.ph/legisdocs/?v=billsresults#18

*Here’s a very detailed and informative article about this issue, from The Philippine Commission on Women:

Enacting an Anti-Discrimination Based on Sexual Orientation and Gender Identity Law – https://www.pcw.gov.ph/wpla/enacting-anti-discrimination-based-sexual-orientation-and-gender-identity-law

*Here’s an example of how real this discrimination is in our country. Report from Human Rights Watch:

“Just Let Us Be”
Discrimination Against LGBT Students in the Philippines – https://www.hrw.org/report/2017/06/21/just-let-us-be/discrimination-against-lgbt-students-philippines

Advertisements
Series · Short Story

#Alter – Part 2

“Isang maikling kwento tungkol sa mga katotohanang hinaharap at tinatago natin.”

Read Part 1 here – #Alter

PART 2 – “Tong-its”

Talo sa unang round si Jiro. Nakahubad pa rin sila ng damit habang naglalaro.

“So, as agreed, we get to ask 2 questions about your real life. And what’s discussed in this hotel room stays inside it. Keri?” Halatang excited nang magtanong si Jay.

“Ok, ano’ng tanung?” Inayos ni Jiro ang upo nya at hinarap ang dalawa.

“So, gaano ka na katagal na masahista? Ano ang meron ka na wala sila? Hahaha!” Tanung ni Jay kay Jiro.

“Sikat ako, sila hindi.” Sabay tawa. “Joke lang. Kala ko tig-isa lang kayo? Daya a. Ahm, siguro mga 1 year na akong masahista. Dati sa spa ako, tapos napunta sa Grindr, e natuklasan ko ang Twitter. Mas maraming customers. Mas ayos ang bentahan.” Proud na sagot ni Jiro.

“Okay, e di ikaw na! Kaya pala afford na afford ang hotel na ‘to a.” Pabirong kantyaw ni Jay.

“Ikaw Marco, ano’ng tanong mo kay Jiro?”

Tumingin ang dalawa kay Marco na nuo’y pinapanuod lang sila.

“Ahm..” Ilang segundo din syang nag-isip. “Bakit mo naisipang mag-upload ng videos mo sa Twitter? Pa’no kung may makakilala sa’yo?” Seryosong tanung ni Marco kay Jiro.

“Ayan a, kala ko isa lang. Haha.” Napabuntung-hininga sya bago sumagot. “Well, siguro kita nyo naman ang lifestyle ko. Medyo mahirap i-maintain kaya nung nadiscover ko yan, at nakakuha ng maraming followers, naisipan kong pwede ko ring pagkakitaan. Kaya ayun. Kung gusto nyo magsubscribe para updated sa latest videos ko, 499 lang per month. Haha!” Sagot ni Jiro.

“Ano ba yan! I wanted to have a video nga rin with you, kaya lang bottomesa party pala ‘to, di nyo ko inabisuhan.” Biro ni Jay.

Nagtawanan ang tatlo.

“Ok, next round! Galingan mo Jiro, baka pagtapos nito, alam na namin buong buhay mo.” Pahabol pa ni Jay.

Sinimulan na ang 2nd round ng tong-its. Maya-maya pa, sina Jiro at Jay na lang ang naglalaban dahil nag-tong-its na si Marco. Bilangan na lang sila ng natitirang baraha.

“So ang akin, isang alas, isa pang alas, at tres! 4. Patingin ng sau! Mukhang ikaw na naman sis!” Pang-aasar ni Jay kay Jiro.

Nilabas nya ang baraha. Tatlong dos at isang alas.

“Shet!” Nanghinayang na sambit ni Jay. “Go ahead, shoot.”

Si Marco ang unang nagtanong. “Ano’ng trabaho mo?”

“I’m an operations manager in a call center in Makati. Secret kung anong company. Haha.” Sagot ni Jay.

“Ok. Kaya pala Inglisero ka. Haha. Ok, ako naman.” Nag-isip saglit si Jiro. “Ahm, sige ganun na lang rin. Ano’ng naisipan mo at gumawa ka ng Alter?”

“Well, I’m 27 years old, and I have a partner for 11 years now. Recently, we kind of agreed to explore sexually, pero of course may limitations pa rin. We’ve been together since teenage years namin, kaya siguro ngayong medyo tumatanda na kami, gusto namin i-try mag-explore. E Twitter provided this whole other world na kahit ako, medyo gulat pa sa mga ganap jusko.” Sagot ni Jay.

“Wow, may partner ka pala. So ok lang sa kanya ‘to?” Pang-uusisa pa ni Jiro.

“Yap, nageexplore din sya ng sa kanya, and sa’kin ayos lang yun. ‘Yung sa kanya nga lang, straight ang trip nya. Haha. As long as alam namin san kami uuwi at sino ang totoong partner namin sa buhay, at the end of the day. And of course, safe sex! Saka ‘di naman to every day or every week. Minsan lang talaga.” Sagot ni Jay.

“I guess I can’t really explain it to you especially if you haven’t gone through this yourself. The younger me would never understand this, let alone agree to this, but here we are.” Pag-eexplain pa ni Jay.

“Yeah, ‘di ko ata kaya yan. Gusto ko, ‘pag may jowa na ‘ko, sakin lang sya.” Banat ni Jiro.

“You seem so quiet Marco! Nasha-shock ka ba sa mga pinag-uusapan? You ok?” Nakangiting tanong ni Jay kay Marco na nuo’y pinapanuod lang silang dalawa.

“Ok lang ako pre.. ‘Di pa lang ako masyadong exposed siguro sa mga kwentong ganyan. Pero sige lang. Nag-eenjoy naman ako sa usapan.” Medyo nahihiyang sagot ni Marco.

“Teka, parang sa sugalan ka ata exposed, galing mo sa tong-its e. Ganto, para fair, dahil nag-open na kaming dalawa, ikaw naman. Wala na munang game.” Suggestion ni Jay.

“Oo nga, Marco.” Pag-sang-ayon ni Jiro.

“Ok bro, sige. Ano tanong nyo?” Halatang medyo ilang pa rin si Marco.

“Hmmmm, ano ba.” Excited nang magtanong si Jay. “So, ikaw naman, bakit ka nag-alter?”

“Ok. Ahm, para lang sa videos talaga. Nuod nuod lang ‘pag mag-isa ako. Sinubukan ko lang makipag-meet. ‘Di nga ako sanay sa tatlo. One-on-one lang trip ko.” Sagot ni Marco.

“Sorry na, naisipan ko lang pagsabayin na kayo kasi marami pang naka-schedule. Haha!” Banat naman ni Jiro.

“Wow, ikaw na famous!” Biro ni Jay.

“Ok, ako naman. Ikaw, may partner ka, or dine-date ngaun?” Tanong ni Jiro.

“Ahm.. Hmm..” Napatawa si Marco na halatang nahihiya. “May asawa’t anak ako, actually.”

“What?”

“‘Di nga?”

Halatang gulat ang dalawa.

“Oo. ‘Di kami ganun ka-ok ng asawa ko sa ngayon. Alam naman din nya. Saka syempre ‘di alam ng mga pamilya namin. At ng anak ko. Sinusubukan ko na baguhin ang sarili ko, pero eto talaga ako e. May mga gusto ako na ‘di nila maiintindihan. Kaya siguro, masaya ako sa Twitter. Kasi nakikita kong madami akong katulad. Lahat kami nagtatago sa mundong ‘di kami tanggap.” Pag-eexplain pa ni Marco.

“Wow, lalim a. Wait, andami kong tanong! Pwede pang mag-follow-up questions?” Pang-uusisa pa ni Jay.

Biglang nag-ring ang phone ni Jiro. “Wait, kayo muna dyan a. Sagutin ko lang ‘to.” Pumunta sya sa CR at duon sinagot ang tawag.

Tinuloy ng dalawa ang usapan.

Maya-maya pa, lumabas na si Jiro sa CR. “Ahm, guys, sori, may friend kasi akong pupunta. Nakalimutan kong may bisita pala akong darating tonight. Ok lang kung next time natin ‘to ituloy?”

“Ay ok. Sure, no problem.”

“Sige lang bro.”

Nagbihis na ang dalawa, at nag-ayos ng gamit.

“Hey, pasensya na talaga a. Nice meeting you two. Ingat pag-uwi.” Paalam ni Jiro sa dalawa bago nya isara ang pinto.

Pagka-lock nya ng pinto, umupo sya sa table at binuksan ang bag na kanina pa nakalapag sa sahig.

May kinuha syang phone sa loob. Tapos ay pinindot nya ang stop recording button sa screen nito. Kinuha naman nya ang isa pang phone at may tinawagan.

“Paps, tara na dito. Ipakita ko sayo ‘yung vid.”

Part 3 to be published soon! Stay tuned!

Pls. like, share and subscribe!

Like Kwentong Win on Facebook!

Follow me on Twitter for updates!

@darwintaylo

If you have stories and ideas you want to share, let’s collab. Send me a message. Thank you!

#kwentongwin #shortstories #series #maiklingkwento #alter

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Series · Short Story

#Alter

“Isang maikling kwento tungkol sa mga katotohanang hinaharap at tinatago natin.”

PART 1 – “Collab”

“@VERSAche: Collab with @alitapTOP and @autoBOT later! So excited! #alterpinoy”
1430 Retweets 2982 Likes

Naunang dumating sa hotel room ni VERSAche si alitapTop. Nakailang doorbell sya bago bumukas ang pinto.

“AlitapTOP?”, tanung ni VERSAche.

“Yap. Pero Marco na lang.” Nakipagkamay sya.

May katangkaran si Marco, mukhang 5’9, medyo may tyan at malaman pero may hubog, kumbaga dadbod. Medyo may bigote, may pagka-Eric Frustuoso ang itsura.

“Ah, ako si Jiro. Tara pasok. Kala ko kung sinong straight e. Sorry. ‘Di ka mukang bi.” Pinapasok na nya sa loob si Marco.

Nakasando lang si Jiro. Kita ang banat sa gym na katawan. Pero hindi naman buff, toned lang. Sakto lang ang tangkad. Makinis, pogi, mukhang contestant sa Bidaman.

Umupo na si Marco sa kama. Kita pa rin sa mukha ni Jiro ang pagtataka.

“Siguradong di ka straight a? Baka yung bakbakan sa kama sayo e literal na bugbugin mo kami bigla a?” Nakangiti syang parang tini-tease ang kausap.

“Hindi.” Tipid ang ngiti ni Marco, tapos ay iniwas ang tingin at nilibot sa hotel room.

“Ayos dito nu? Ikaw mukhang bata ka pa a. Ilang taon ka na?” Tanung ni Marco kay Jiro.

“23. Ikaw ba?”

“30.”

Tumunog ulit ang doorbell.

“Hi guys! Oh, I see you’re both here already!” Nakangiting bungad ni AutoBOT pagbukas ng pinto.

5’5 ang height nya. Medyo mas malambot sa dalawa ang kilos. Nakasalamin, at mukhang matalino. Sya na ang nagsara ng pinto at umupo na rin sa may table tabi ng kama, at binaba ang bag.

Kinamayan nya ang dalawa. “I’m Jay. And you are?”

“Jiro na lang. Ako si VERSAche.”

“Oooh! Pa-massage ako mamaya a. Pero ES muna. Hahaha!”

Tumawa silang dalawa.

“So AlitapTOP?” Baling nya kay Marco. Nakangiti lang syang pinagmamasdan ang dalawa.

“Ahm, Marco na lang bro. So ikaw si autoBOT?”

“Yap. At your service sir. Haha!”

Tumawa silang tatlo.

Maya-maya’y humiga na silang tatlo sa kama. Nilabas na rin ni Jay ang dalang box ng condom sa bag at nilapag sa table.

“So lights off o lights on?”, tanung ni Jiro.

“On syempre! Kawawa naman followers natin kung wala silang mapanuod no.” Sagot ni Jay.

Sinimulan na nila ang bakbakan.

Maya-maya pa’y kumuha ng isang condom si Jay at tumingin sa dalawa.

“So sino una?”

“Sya muna.” Sabay silang nagsalita.

“Ikaw ang top e. Ikaw na muna bro. Maya na ko.” Udyok ni Jiro kay Marco.

“Ahm, bale kasi, natry ko pa lang maging top sa babae. Gusto ko sana itry ‘pag sa’kin naman gagawin yun.” Medyo nahihiyang sagot ni Marco.

“Ah, bale gusto mo ma-try mabottom? E versa ako oo, pero more bottom.” Medyo nakakunot ang noo ni Jiro.

“Teka nga.” Nakataas na ang kilay ni Jay. “So ang ending e, ako pa ang top? May mas bo-bottom pa ba sa AutoBOT? Matic dapat na ako bottom. Nakakaloka kayo.” Hindi nya alam kung matatawa siya o maiinis.

Mga ilang minutong tahimik silang tatlo bago tumayo si Jay at may naisip.

“Ok, sissies, ganto na lang. May cards ako jan. Laro na lang tayo. ‘Pag natalo, tatanungin about sa real life nya. Walang atrasan. Umatras na nga mga tite nyo sakin. Pagsasampalin ko kayo.”

Napatango na lang ang dalawa at mukhang nabawasan ng onti ang awkwardness sa kwarto.

“Tong-its?”

“Sige.”

Read Part 2 now! – #Alter – Part 2

Pls. like, share and subscribe! 🙂

Like Kwentong Win on Facebook!

Follow me on Twitter for updates!

@darwintaylo

If you have stories and ideas you want to share, let’s collab. Send me a message. Thank you! 🙂

#kwentongwin #shortstories #series #maiklingkwento #alter

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Blog

Teka

Ang daming tumatakbo sa isip ko minsan, hindi na ko makahabol.

Teka, isa isa lang.

Ang daming mga taong kala ko anjan lang, pero wala naman.

Teka, nasan na kayo.

Ang dami kong nasayang na oras sa mga walang kwentang bagay.

Teka, pwede bang rewind.

Ang dami kong taong nadi-disappoint. Ako mismo sobrang disappointed na sa sarili ko.

Teka, ‘di ako perfect.

Ang dami kong gustong gawin na ‘di ko masimulan. Ang dami kong pangarap na parang di ko na maaabot.

Teka, pedeng stop time muna.

Ang dami kong nararamdaman, feeling ko pabagsak na katawan ko.

Teka, pwede bang magpahinga.

Ang dami kong problema, wala akong masolusyonan. Nadagdagan pa nang nadadagdagan nang nadadagdagan.

Teka, pucha naman o.

Teka lang.

Teka nga.

Teka, nasan ba ko?

Nasa kwarto ako mag-isa, nakaharap sa laptop, nakatulala sa Netflix. Nasa katabi kong kwarto yung bestfriend kong gising pa dahil rinig ko pa yung Kadenang Ginto sa TV. Umuulan sa labas. Nagyayayang lumabas sina Paul. Nagtext pala si Mama, nangangamusta.

Teka nga, mapuntahan nga tong hindot sa kabila at baka may iba naman syang problema, sawa na ko sa mga problema ko.

“Teeeehhhh! Ta ka! ‘Di mo na tinigilan yang Kadenang Ginto! Ikakadena kita jan sa TV. Tara na nga, sama tayo kina Paul. Tawagan ko lang si Mama.”

===================

Writer’s Notes:

It’s normal to be anxious, to worry about things that may or may not happen.

But when anxiety takes over your life, what I’ve found to be most useful is the “mindfulness” technique.

“Mindfulness is about paying attention to daily life and the things we typically rush through. It’s about turning down the volume in your mind by coming back to the body.”

Take back control of your life by taking one step at a time. Look around you. That right there is your present moment. Live it.

Reference: https://www.healthline.com/health/mindfulness-tricks-to-reduce-anxiety#1

Short Story

Ang Pinagtawanang Nakakatawa

Isang maikling kuwento tungkol sa mga dapat at hindi natin dapat pagtawanan.

sinulat ni Darwin Taylo

May yumuyugyog sa kanya. Mga maliliit na kamay ang humihila sa damit nya at inuuga uga sya. May naririnig syang mahihinang bulungan tapos ay may mga nagsalita.

“Huy gising!”

“Kita na yung puwet nya o! Hahahaha!”

Maraming iba’t ibang boses ang narinig nyang tumawa. Naramdaman nyang medyo nahihilo sya, pero dahan-dahan na rin nyang binuksan ang mata.

Nakasayad ang mukha nya sa karton, nakadapa pero nakaangat ang puwet. Randam nya ang onting pagkahubo ng pantalon nya. Maliban sa maliit na bolang pula sa isang gilid ng karton, wala nang iba pang gamit sa tabi nya. Kita nya na ngayon kung sino ang yumuyugyog sa kanya at tumatawa kanina. May anim o pitong bata, mga nasa edad dose pababa, ang nakapaligid sa kanya. Bago nya pa malibot ang tingin, mukha ng isang batang lalaki ang lumapit sa mukha nya.

“Huy! Sarap ba tulog? Hahahaha!”

Humagalpak sa tawa ang bata na sinundan ng tawa ng iba pang mga bata. Di nya alam ang iisipin. Dahan-dahan siyang tumayo.

“Hoy! May tanong ako. Bakit ang pangit mo? Hahaha!” Isang batang mataba, mga nasa walong taong gulang,ang nagtanong.

Biglang pumintig ang tenga nya. Hindi nya napigilan ang sarili. Nagpagpag sya ng katawan at bumawi.

“E ikaw, bakit mukha kang butete?!”, sagot niya sa bata.

Parang di inasahan ng bata ang saring nya at bigla itong nahiya.

“Hahaha! Butete!”

Nagtawanan din ang ibang bata. Biglang umiyak ang batang nilait nya at dali-daling umalis.

“Manong, dati ka bang espasol? O kulang ka lang sa dugo? Hahaha!” Isang batang babae na nakasalamin ang nagsalita.

Di na sya nagisip. “Ahh. E ikaw, bakit apat mata mo? Dati ka bang bubuyog? O duling ka lang kaya kailangan mong magsalamin?”

“Hahaha! Bubuyog!” Nagtawanan ang iba pang bata. Biglang humagulhol din ang batang babae at patakbong umalis.

“Kuya bansot, bakit hindi ka na lumaki? Hahaha!” Isang batang lalaki, mga nasa edad sampu ang nagsalita. May suot itong sumbrero na patatsulok.

“E kung pagbabatukan ko kayong mga bata kayo nang di rin kayo lumaki? Ang babastos nyo a!”

Nagulat ang mga bata, may dalawang babaeng naghawakan, halatang natakot. Nagsitakbuhan din sila paalis. May isang batang babae na may tinawag.

“Mommy! Mommy!” Maya-maya’y may lumapit na babaeng nasa edad trenta.

“O bakit anak?”

“Si kuya bansot inaaway kaming lahat! Huhuhu!” Humahagulgol sya ng iyak. Tumingin nang masama ang babae sa kanya.

“Yang mga anak nyo kasi turuan nyong gumalang. Ang babastos. Kanina pa ko nilalait at pinagtatawanan.”

Biglang napataas ang kilay ng nanay. Nakatitig lang sa kanya ng matagal. Maya-maya’y biglang napahagalpak sa tawa.

“Hahaha! Bansot, bansot, mas nakakatawa ka pala kaysa sa inaakala ko. Humarap ka nga sa salamin nang magising ka at nang matawa ka sa sarili mo.” Tinuro nya ang malaking salamin sa gilid.

“Wag mong kalimutan yung ilong mo.” Pahabol nya at tinuro ang pulang bola na nasa gilid ng karton.

Di nya naintindihan ang sinabi ng babae. Humarap sya sa salamin at di makapaniwala sa tinitingnang sarili.

Nakasuot sya ng malaking sapatos at maluwag na damit. Makapal ang make-up, mapula ang labi.

Kinuha nya ang pulang bola at dinikit sa ilong. Dun nya naalalang siya si Bansot, at nasa 10th birthday party sya ni Sky, yung batang babae na tumawag sa Nanay niya. Isa syang clown.

Ilang minuto syang natigilan. Tapos ay nag-ayos siya at humarap sa mga tao. “Mga bata, sinong gustong makarinig ng joke?”

Sa buhay, dapat alamin mo kung bakit nakakatawa ang pinagtatawanan, sino ang tumatawa at pinagtatawanan at kung dapat bang pagtawanan ang nakakatawa.

– Wattpad Link (https://my.w.tt/60N1S7k0yP)

Blog · Monologue

Sleeping Quarters (Monologue)

Ako si Darwin. Pero kung tinatamad kayo, pwede namang Da na lang.

Masipag akong tao e, pero madali akong tamarin. Sa call center ako nagtatrabaho. Tas ang paborito kong lugar sa ofis e ang sleeping quarters. Dun kasi ako nakakapagpahinga, nakakapagisip.

So kanina, nasa sleeping quarters ako. Habang nagpapaantok, naisip ko, ang sarap siguro maging manager no. Kasi alam nyo ba yung manager ko 24 pa lang pero may kotse na at sariling bahay! Asensado bes! (Pause) Pero naisip ko rin, naku andaming apply apply at lulusutan na butas ng karayom bago ako maging manager. So sabi ko, iba nalang.

Naisip ko, ahh, ang sarap siguro magkajowa. Kasi biruin mo, may officemate ako, ang chaka pero ang jowa, bet! Ang sarap siguro magkaganun. (Pause) Pero naisip ko, naku, makikipagdate ka, get to know get to know, naku nakakapagod. So iba na nga lang.

Ahhh! Ang pinakabongga pala e ung manalo ka sa lotto! Imaginin mo, 100 milyon! Andami kong mabibili dun! Pwede akong bumili ng kumpanya tas ako magiging manager, o kaya bumili ng jowa. Solved ang problema! (Pause) Pero naku, milyun-milyun din ang kombinasyon na pwedeng manalo, baka abutin ako ng siyam-siyam bago ako tumama.

Tas mejo inaantok nako, may narealize ako. Etong mga taong to, di naman nila makukuha ang mga gusto nila kung di sila magtyatyaga. Kaya siguro walang nangyayari sa buhay ko, dahil puro ako tulog!

Haaaay. (Buntung-hininga) Pero inaantok nako bes, sige maya na lang ulit, tulog na muna ako.

Blog

How Being Nice Sometimes Messes You Up

I had a very enlightening talk with one of my closest friends at work earlier which made me realize that I’m still a loser, and I need to learn a few things.

I learned that I have to appreciate myself more and know my worth.

I have to know what I actually deserve based on my own expectations and not try so hard to always become what others expect me to be.

I have to know when to hold it in, and when to just let it go.

I have to know when to keep going, and when to rest.

We sometimes do so much for other people that we forget ourselves. And this defeats the purpose of living a full life.

You cannot always remove yourself from the equation when trying to be a good human being. Soon enough, you may find that you have so little of you left to even care about anything.

And that’s really when things start to go haywire. That’s when you start to question why everything doesn’t make any sense.

And you keep thinking, you’re just trying your hardest to be nice. Fuck, being nice shouldn’t be so fucking hard.

But, part of being nice is being nice to yourself too. And that involves yes, caring for people who you love, but also not putting up with other people’s bullshit, and speaking up when someone is being unreasonable to you.

It is exhausting and unhealthy for you to keep tucking away your feelings inside just because you don’t want to hurt another person’s feelings.

There’s a right time to try and fight off the pain and act okay, but make sure that you won’t get yourself in that same situation that got you hurt in the first place. Otherwise, it is your fault you keep suffering.

It’not easy to change but I firmly believe everything that happens in your life can be under your control.

Dream beautiful things but wake up and create your every moment.

You always have a choice. When you say that you don’t, that right there is your choice.

Own up to it. The only way you will be able to move forward from a challenging situation or change your life even just one bit is by taking control and taking responsibility for every little thing that happens in it.

It is not somebody else or some thing that make you you, that make you act the way you do. The moment you blame it to anything else, that’s when you lose control of your life.And that is–you guessed it– still your doing. You chose to lose control.

I’m not sure if it’s the lack of sleep that made me write all this (yeah, still working on knowing when to rest), but I guess, I’m just really happy to still learn new ways on how to work with me because really, I think we can all admit that sometimes, we perfectly know how to give advice to other people on how they should live their lives but we’re clueless on how to live ours.

Again, know your worth, not based from what anyone else thinks. And care for others, but most importantly, love yourself too.

The first step of winning is to admit you’re a loser. That’s when you start learning.

‪#‎NoteToSelf‬ #Realizations ‪#‎KwentongWin‬